Lalaking Bigo sa Pagpatay, Arestado!

73

Santiago City, Isabela- Nasa kamay na ng kapulisan ang isang lalaki matapos masampahan ng kasong Bigong Pagpatay kamakailan sa Brgy. Calao East, Santiago City, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Jose Marie Orio, kwarenta anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Purok 3, Calao East, Santiago City.


Si Orio ay nadakip ng mga pinagsanib pangkat ng Santiago City Police Station 1 at Station 2 katuwang ang City Intelligence Branch sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Anastacio Anghad ng RTC 2ND Judicial Region, Branch 36 Santiago City dahil sa kaso nitong Attempted Murder na naunang naisampa noong ika-pito ng Mayo taong kasalukuyan.

Nakapiit na sa PNP Santiago City ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang isangdaan at dalawampung libong piso.

Facebook Comments

From Advertisers