Sekyu na naghagis ng tuta sa footbridge sa isang mall, posibleng mawalan ng lisensya ayon sa PNP-SOSIA

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa Private Security Agency na may hawak sa security guard na si Jojo Malicdem sa isang mall sa North EDSA na naghagis ng tuta kamakalawa.

Sa isang memorandum, sinabi ni SOSIA Chief Police BGen. Leumar Abugan, nakipag-ugnayan na sila sa RJC Corporate Security Services Inc.

Inaalam na aniya ng kanilang Enforcement Management Division ang administratibong pananagutan ng Security Guard at ng Private Security Agency nito.


Sakaling mapatunayan na may paglabag sa polisiya ng SOSIA ay maaring masuspinde o mabawian sila ng lisensya.

Giit ni Gen. Abugan, kinokondena nila ang animal cruelty o pang-aabuso sa mga hayop at wala itong lugar sa sibilisadong lipunan.

Nabatid na head trauma due to shock ang ikinasawi ng tuta dahil sa taas ng pinagbagsakan nito mula sa footbridge.

Sa ngayon, inalis na ng mall sa trabaho ang gwardya matapos ang naturang insidente.

Facebook Comments