Sekyu, Patay matapos Sumalpok ang Minamanehong Motorsiklo sa Trak

*Cauayan City, Isabela*-Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang sekyu matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasalubong na truck sa Maharlika Highway ng Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktima na si Cerilio Capuyan, nasa tamang edad at residente sa Canabuan, Aritao Nueva Vizcaya habang kinilala ang drayber ng truck na si Jhonny Ambasing, 48 anyos, may asawa, at residente sa Valenzuela City.

Batay sa naging imbestigasyon ng PNP Aritao, lumalabas na habang binabagtas ng dalawang sasakyan ang pambansang lansangan ng umagaw umano ng linya si Capuyan lulan ng kanyang motorsiklo sa sinusundan nitong sasakyan na aksidente naming sumalpok sa paparating na trak na nagresulta ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.


Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang suspek habang inihahanda ang kaso laban dito.

Facebook Comments