Sekyu, Patay sa Pananaga at Pananaksak

13

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang security guard matapos pagsasaksakin at tagain sa loob mismo ng pinagtatrabahuang memorial garden sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Arsenio Del Rosario, 53 taong gulang, may asawa, at residente ng brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang naka-duty ang biktima ay kinompronta siya ng suspek na kinilalang si Dante Tesero, 37 taong gulang, walang asawa na residente naman ng brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Matapos ang bangayan ng suspek sa gwardiya ay umuwi ang suspek sa kanilang bahay at kumuha ng patalim.

Bumalik ang suspek sa memorial garden at hinabol ang biktima hanggang sa nakakuha ng pagkakataon na undayan ng saksak at taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng suspek.

Isinugod sa pa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.



Sumuko naman sa kapulisan ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.


Facebook Comments