Lalaking naka-wheelchair, nasunog dahil sa sigarilyo

421
Photo courtesy: Michael Dalton/NYP

Nasunog ang isang lalaking naka-wheelchair sa Midtown, Manhattan matapos makatulog habang may hawak na sigarilyo noong Sabado.

Nakatambay ang 43-anyos na lalaki sa labas ng isang gusali sa East 53rd Street bandang alas-7 ng umaga nang mangyari ang insidente, ayon sa pulisya.


Nabitawan umano ng nakatulog na biktima ang sigarilyo na nalaglag sa kanyang hita kung saan nagsimula ang apoy.

Agad rumesponde ang awtoridad at nasugpo ang apoy makalipas ang 20 minuto.

Natupok ng sunog ang wheelchair habang dinala naman sa ospital ang lalaking nagtamo ng first-degree burn sa mga hita.

Malala rin daw ang paso nito sa mga braso ayon sa isang saksi.

Facebook Comments