Ginanap ang Regional Science and Technology Week na may temang, Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at matatag na Kinabukasan nito lamang ika-9 ng Nobyembre taong 2022 sa Pangasinan Training and Development Center Lingayen, Pangasinan.
Sa naging programa tampok ang iba’t ibang produkto at imbensyon ng mga institusyon na saklaw ng DOST.
Layunin ng pagdiriwang upang bigyang importansya ang kahalagahan at kontribusyon ng agham at teknolohiya sa pagpapaunlad ng kinabukasan sa pamamagitan ng itinayong exhibit at bazaar sa lugar at sa pagsasagawa ng mga caravans upang patuloy na maipakilala ang mga natatanging ambag ng agham at teknolohiya sa makabagong henerasyon.
Nagbahagi naman ng mensahe ang Regional Director ng DOST 1, na si Dr. Armando Q. Ganal sa mga nagsipagdalo sa aktibidad na tangkilikin ang mga gawa ng ahensya katuwang ang iba’t ibat institusyon.
Binigyan din nito ng pagkilala ang kasalukuyang mga proyekto ng rehiyon katuwang ang Pangasinan State University na may layong makatulong sa pagtaas ng produksyon at pagpapalago ng kalidad na produktong Agham at Teknolohiya.
Kasalukuyang isinasagawa ang exhibit at bazaar na magtatagal hanggang bukas, ika-11 ng Nobyembre kung saan hinihikayat ang mga mag-aaral na bumisita at magparehistro sa aktibidad na ito dahil malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga batang mag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments