TRANSPORT SECTOR SA PANGASINAN, MAAPEKTUHAN NG PLANONG LOCAL PUBLIC TRANSPORT ROUTES

Tiyak na maapektuhan ang mga namamasada ng mga tradisyunal na jeep kapag natuloy ang Local Public Transport Routes Plan sa Pangasinan.
Ito ang tiniyak ni Autopro Pangasinan President Bernard Tuliao sa naging panayam ng iFM Dagupan.
Ayon kay Tuliao, patuloy silang nakikiusap na huwag alisin ang mga tradisyunal na jeepney na namamasada sa kalsada kahit pa ipatupad na ang LPTRP sa Pangasinan.

Madami pa din aniya na mga jeep na bumibiyahe sa mga pangunahing lansangan na pwede pang makipagsabayan sa mga modernized jeeps.
Magpapatuloy aniya sila sa paglalabas ng kanilang hinaing bago pa tuluyang ipatupad ang LPTRP sa Pangasinan na magiging kauna-unahan sa buong Ilocos Region. |ifmnews
Facebook Comments