Hindi sinipot ni dating Pangulong Fidel Ramos ang selebrasyon ng EDSA People Power Revolution sa EDSA, Quezon City.
Dahil dito, hindi na nagkaroon ng reenactment ng salubungan sa pagitan mg militar pulis at sibilyan na dapat ay gagawin sa entablado.
Nagkaroon na lamang ng simpleng pag-alay ng bulaklak sa bantayog na pinagungunahan ni DepEd Undersecretary Lorna Dino bilang kinatawan ni DepEd Secretary Leonor Briones.
Ang kinatawan ng military at government sector ay si Captain Edward Trinidad, habang sa religious sector naman ay si Sister Sarah Manopol at business sector si Gus Camacho.
Bago ang pag-aalay ng bulaklak nagkaroon muna ng panalangin para sa malinis at mapayapa na halalan sa Mayo 13.
Isa sa mga tampok na masaksihan sa EDSA ngayon na wala noon ay ang pagsama ng exhibit ng mga paintings sa People Power Monument tungkol sa Maute Assault and Siege sa Marawi City na nilikha ni visual artist Nemy Miranda.
Bago matapos ang programa mamaya ilang indibidwal na may malaking papel na ginampanan noong panahon ng EDSA Revolution ang pagkakalooban ng freedom awards and spirit of EDSA at good citizenship movement awards.
Kabilang dito sina:
Marianne Maan Hontiveros
Cecille Guidote Alvarez
Eufrosino Sonny Camarillo
Father Benigno Beltran
Ang AKKAP ka-aksyon para sa kapayapaan at katarungan
Mamayang alas 12:15 ng tanghali isang misa naman ang gagawin sa Mary Queen of Peace Shrine o EDSA Shrine.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>