Selebrasyon ng Eid’l Adha mapayapa ayon sa PNP

Naging mapayapa sa kabuang selebrasyon ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim.

 

Ayon kay PNP Spoksperson Police Brig Gen Bernard Banac walang naitalang untoward incidents ang Philippine National Police sa buong araw na selebrasyon.

 

Pero nagpapatuloy ang pagiging alerto at pagiging mapagmatyag ng mga pulis para agad makapag responde sa anumang emergency situatin kalamidad.


 

Kahapon sinimulang pahigpitang bantayan ni NCRPO Chief Police Major Gen Guillermo Eleazar ang mga matataong lugar sa Metro Manila upang matiyak na magiging payapa ang selebrasyon ng Eid’l Adha.

Facebook Comments