SELEBRASYON NG KULTURA AT E-SPORTS, TAMPOK SA NALALAPIT NA PISTA SA SAN JACINTO

Iba’t ibang aktibidad na may temang pangkultura at E-sports ang inaasahang tampok sa papalapit na taunang kapistahan sa bayan ng San Jacinto.

Ito ay kasunod ng isinagawang paunang pagpupulong ng lokal na pamahalaan upang talakayin ang magiging kabuuan ng selebrasyon.

Kabilang sa napag-usapan ang pagbuo ng mga programa katuwang ang ibang tanggapan, partner agencies at mga barangay.

Bilang bahagi ng paghahanda, bumuo rin komite na mangunguna sa pag-oorganisa ng mga aktibidad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, asahang sa mga susunod na araw ilalabas ang opisyal na iskedyul at kumpletong listahan ng mga aktibidad.

Hinikayat naman ang publiko na suportahan ang mga programang inihanda para sa nalalapit na pista ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments