Matagumpay na pinasinayaan ang selebrasyon ng National Rice Awareness Month at Organic Agriculture Month ng Department of Agriculture- Agricultural Training Institute Region 1 sa Brgy. Tebag East, bayan ng Sta. Barbara kahapon, ika-13 ng Nobyembre.
Umikot ang programa sa tema ngayong taon na βKabuhayang OA, Kinabukasan ay OK” kung saan hinihimok ng ahensya ang publiko na maging Rice-ponsible o responsable sa paggamit o pagkonsumo ng publiko sa bigas nang sa ganoon ay maiwasan ang pagkaaksaya nito.
Ang nasabing mga pagdiriwang ay sa ilalim ng dalawang proklamasyon na Proclamation No. 524, s. 2004 at Proclamation No. 1030, s. 2015 ng pamahalaan.
Dito, hinikayat din ang publiko na tangkilikin ang sariling mga tanim sa bansang Pilipinas lalong lalo na ang mga pananim na organic.
Sa naturang aktibidad, isinusulong din ng ahensya ang ABKD na gamitin ang Adlay, mais, saba at iba pa na ihalo sa kanin, Brown Rice ay kainin, Kanin at huwag sayangin at Dapat bigas sa Pilipinas. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments