Dahil sa muling pagbubukas ng maraming pasyalan at sa pagluwag ng restrictions sa COVID-19 ay dumami na naman ang nagsilabasang mga indibidwal sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa katatapos lamang na ilang malalaking aktibidad sa lalawigan gaya ng Pista’y Dayat, naging alerto na naman ang mga kawani ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office upang magbantay sa mga Pangasinense na magpupunta sa mga pasyalan gaya ng beach.
Ngunit ayon sa naging assessment ng PDRRMO, naging mapayapa at matagumpay ang iba’t ibat aktibidad at programa na isinagawa sa ilalim ng selebrasyon ng Pista’y Dayat ngayong taon.
Ayon kay Vincent Chiu, Operations Head ng PDRRMO, magandang balita dahil wala ni isa ang naging insidente ng pagkalunod sa mga karagatan ng Pangasinan.
Ayon pa sa kanya, naging matagumpay umano ang pag monitor sa mga dinarayo ng turista dahil sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensya gaya na lang ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Philippine Coastguard at marami pang iba.

Facebook Comments