Selebrasyon ng Ramadan, maaaring magdulot ng COVID-19 surge sa BARRM

Nababahala ang World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) na posibleng magdulot ng COVID-19 surge sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang selebrasyon ng Ramadan.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., mababa kasi ang vaccination coverage ng BARMM kaya nababahala sila dahil libo-libong Muslim ang nasa Mosque para sa naturang selebrasyon simula noong April 3.

Aniya, ang mababang rate ay maaaring dahil sa “demand issues at vaccine preference dahil may ilang residente ang naniniwala na ang ilang COVID-19 vaccine brands ay hindi halal o ‘religiously acceptable.’


Sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nasa 957,766 lamang ang fully vaccinated sa naturang rehiyon kung saan mababa ito sa higit 3 milyong target na mabakunahan habang nasa 78,643 lamang ang mga nakatanggap ng booster shot.

Samantala upang makatulong sa pagtaas ng vaccination rate sa rehiyon, gagamitin ng Bangsamoro government ang mga mga masjid at mosque bilang COVID-19 vaccination sites.

Facebook Comments