De Lima, itinangging matitigil ang serbisyo ng 4Ps kapag hindi nanalo ang mga incumbent candidate

1606

Itinanggi ni re-electionist Senator Leila de Lima ang fake news na mahihinto ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung hindi maihalal ang mga incumbent candidate ngayong 2022 election.

Ayon kay De Lima na principal author ng Republic Act no. 11310 o ng 4Ps Institutionalization Act, magpapatuloy ang serbisyo ng 4Ps kahit sino pa ang mananalo sa darating na botohan.

Aniya, ang mga taong nasa likod ng pagkalat ng fake news na ito tungkol sa 4Ps ay mga oportunista at walang ibang alam kundi ituloy ang makasariling interes at manalo sa hindi patas na paraan.


Hinimok din ni De Lima ang publiko na mas maging mapagbantay laban sa mga nagpapakalat ng fake news na sinasamantala ang papalapit na halalan para lang makamit ang makasarili na agenda.

Facebook Comments