Selebrasyon ng Shariff Kabunsuan sa Cotabato City, dinagsa!

Nagpapatuloy ang mga aktibidad kasabay ng selebrasyon ng 22nd Shariff Kabunsuan Festival sa Cotabato City.

Noong December 15, pormal ng nagsimula ito sa pamamagitan na rin ng isnagawang Guinakit Fluvial Parade na isinagawa sa Rio Grande de Mindanao, sinasabing nagsisimbolo ang aktibidad ng pagdating ni Shariff Kabunsuan sa syudad. Binuksan na rin ang SK Fest Bazaar.

Kahapon, dinagsa rin ang pagbubukas ng Mini- Guinakit sa Peoples Palace Ground na agaw atraksyon ngayon sa mga bisita.


Habang isinasagawa ngayong araw ang Kuyog Street Dancing at Showdown.
Deklarado na ring Holiday sa buong syudad sa December 19 kasabay ng gagawing culmination.

Samantala sa kabila ng patuloy na pagdagsa ng mga bisita , patuloy pa rin ang imbetasyon ng City Government sa publiko na saksihan at makisaya sa selebrasyon.
CCTO PIC

Facebook Comments