Kanselado na ang selebrasyon kasabay ng unang taong Anibersaryo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ang napag-alaman mula sa panayam ng DXMY kay Minister on Health at kasalukuyang Spokesperson ng binuong Inter Agency Task Force ng BARMM Dr. Safrullah Dipatuan.
Nakaschedule sana ang selebrasyon ng BARMM ngayong huling linggo ng Marso. Ang pagkansela ng okasyon ay bunsod pa rin sa banta ng COVID 19.
Kaugnay nito inilatag na rin IATF BARMM ang mga precautionary measures para sa kanilang mga kawani. Kabilang na ang paglalagay ng mga hand sanitazers sa mga papasok sa BARMM Compound at pagsasagawa ng disinfectant spray sa lahat ng ahensya na nasa compound.
may mga Thermal Scanner na rin sa bawat tanggapan sa BARMM Compound.
Kanselado na rin muna ang paglahok sa Flag Raising at Retreat Ceremony sa BARMM.
Samantala suspendido na rin ang ang klase sa limang lalawigan ng rehiyon .
Patuloy naman ang pagpapaalala ng BARMM Government sa lahat ng maging kalmado, huwag magpapanic, magpalusog ng kalusugan, malinis na katawan at lalo pang palakasin ang pananampalataya sa dakilang lumikha.
PIC: BARMM FB PAGE
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>