Kinukunsidera ng gobyerno ang pagpapatupad ng “selective quarantine” sa mga lugar lang kung saan mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, pagkatapos ng Enhanced community Quarantine (ECQ).
Ayon kay National Task Force COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., magiging posible lang ito kung susunod ng maayos ang mga tao sa ECQ at maging matagumpay ang pag “flatten ng curve”.
Paliwanag ng opisyal, pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF ang mga rates at trends ng pagkalat ng COVID sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Pagbabasehan aniya ng IATF ay kung nagkaroon ng massive testing ng suspected cases, tumaas ang recovery rate ng mga pasyente, bumaba ang number of deaths at new cases, at tumaas ang capacity ng mga local health units.
Dapat aniya ang mga LGU ang manguna sa pag “flatten ng curve”.