Selena Gomez, nanawagan sa followers na itigil ang death threats, hate comments kay Hailey Bieber

Tila nakahanap ng common ground sina Selena Gomez at Hailey Bieber sa pagpo-promote ng love and kindness sa gitna ng anila’y hate and negativity sa social media.

Nitong Biyernes, March 24, sa pamamagitan ng Instagram story ay nanawagan si Selena sa kanyang followers na tigilan na ang pagbabato ng hateful comments lalo na kay Hailey.

Say ng American singer actress, taliwas ito sa kanyang ipinaglalaban at igniit na wala sinuman ang dapat na makaranas ng galit o pambu-bully.


“Hailey Bieber reached out to me and let me know that she has been receiving death threats and such hateful negativity.

“This isn’t what I stand for. No one should have to experience hate or bullying.

“I’ve always advocated for kindness and really want this all to stop,” pahayag ni Selena.

Kasunod nito, isang IG story rin ang ibinahagi ni Hailey kung saan nagpasalamat siya sa pagtatanggol sa kanya ni Selena.

 

“I want to thank Selena for speaking out, as her and I have been discussing the last few weeks how to move past this ongoing narrative between her and I.

“The last few weeks have been very hard for everyone involved and millions of people are seeing so much hate around this which is extremely harmful.

“While social media is an incredible way to connect and build community, moments like this only create extreme division instead of bringing people together.

“Things can always be taken out of context or construed differently than they were intended.

“We all need to be more thoughtful about what we post and what we say, including myself.

“In the end, I believe love will always be bigger than hate and negativity, and there is always an opportunity to meet each other with more empathy and compassion,” saad ni Hailey.

Si Selena ay ex-girlfriend ng Canadian singer na si Justin Bieber na asawa na ni Hailey.

Nag-ugat ang isyu ng umano’y gusot sa pagitan ng dalawa matapos na akusahan ng netizens si Hailey kasama ang mga kaibigan niyang sina Kendall Jenner at Justin Skye ng pamba-bodyshame kay Selena.

Enero nang makatanggap ng bodyshaming si Selena mula sa paparazzi kung saan sa kaparehong panahon ay nag-upload ang tatlo ng video nila na nagli-lip sync ng sikat na TikTok audio na:

“And I’m not saying she deserved it, but I’m saying God’s timing is always right.”

Dahil dito maraming netizen ang naghinalang pinatutungkulan ng magkakaibigan si Selena.

Nasundan pa ito ng snapshot ng video call nina Kylie at Hailey kung saan ipinapakita nila ang kanilang mga kilay na hinala ng netizens ay pang-aasar kay Selena na noo’y nag-post ng video tungkol sa kanyang kilay na accidentally ay sobra raw niyang na-laminate.

Marami ang nagtanggol sa American singer at dito na nagsimula ang pagkukumpara sa dalawa at mga espekulasyon hinggil sa umano’y panggagaya ni Hailey kay Selena.

Facebook Comments