Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at 10 iba pa, kinasuhan na ng DOJ

Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si self-confessed drug lord Rolan Eslabon Espinosa o Kerwin Espinosa gayundin ang 10 iba pa kaugnay ng umano’y illegal drug trade sa Eastern Visayas.

Base sa Resolusyon ng DOJ Panel of Prosecutors, maliban kay Espinosa ay kinasuhan din sina Marcelo Adorco, Jose Antipuesto alyas Joe; Jose Estrera alyas Amang; Galo Stephen Bobares, Ferdinand Rondina alyas Denan; Brian Anthony Zaldivar alyas Tonypet; Nickjune Canin, Virbeca Diano alyas Bebeth, Alfred Cres Batistis at Josela Dumaguit alyas Jojie.

Paliwanag ng DOJ, ang pagsasampa ng kaso ay batay sa tinatawag na extrajudicial confessions ng ilan sa mga respondent hinggil sa kanilang partisipasyon sa illegal drug trade.


Naniniwala ang DOJ Panel of Prosecutors, bagama’t may ilan ang bumaligtad sa kanila, hindi sapat ang kanilang pagbawi sa kinalaman sa krimen.

Inabswelto naman sa reklamo dahil sa kakulangan ng probable cause sina Police General Asher Dolina, Chief Inspector Wilfredo Abordo, Chief Inspector Eufracio Javines, PO3 Dennis Torrefiel, Police Captain Bernie Magamay, Police Staff Sergeants Eduardo Betuin, Roberto Arafol, at Marvin Parac, Police Senior Supt. Elizar Egloso.

Abswelto na rin sa kaso ang iba pa na kinabibilangan nina Maba Limbona, Galo Legaspi, Baysay Custodio, Victor Espina, Martin Espina, at Marites Ang.

Facebook Comments