6 Kalalakihan, Huli sa Pamumutol sa Puno ng Niyog

Cauayan City, Isabela- Arestado ang anim (6) na kalalakihan matapos maaktuhan na nagpuputol ng puno ng niyoga sa Claveria, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng Claveria Police Station, kinilala ang mga nahuli na sina alyas Ronaldo, 28 anyos, walang asawa, sales boy at residente ng Brgy Centro 5, Claveria; alyas Mariano, 47 anyos, may asawa, magsasaka, residente ng Lablabig, Claveria at nagngangalang Teddie, 38 anyos, may asawa, isang magsasaka; Randy, 24 anyos, may asawa; Jonel, 31 anyos, walang asawa at alyas Daniel, 48 anyos, may asawa at kapwa mga residente ng Macatel, Sta. Praxedes, Cagayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, itinawag sa kanilang kaalaman ang ginagawang illegal umanong aktibidad ng mga suspek na kaagad naman nilang inaksyunan.


Bigo namang magpakita ng anumang dokumentong magpapatunay ng legalidad ng kanilang pamumutol ng puno ng niyog kung kaya’t dinakip sila ng pulisya.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim (6) na piraso ng 2x6x10 at apat (4) na 2x6x12 na tinatayang 108 board feet na mga kahoy ng niyog.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10593 o Coconut Preservation Act of 1995.

Facebook Comments