Selfie museum sa Budapest, patok ngayon na tourist destination

Image via Museum of Selfie and Sweets

Dinarayo ngayon ng mga bakasyunista at lokal na mahilig sa selfie ang isang museo sa Budapest, Hungary.

Sa binansagang “selfie museum”, maaring mag-pose ang mga turista sa pink palm trees at maengayo sa multi-coloured sprinkle baths.

Ayon sa may-ari ng museo, naging inspirasyon nila ang isang lugar sa Estados Unidos na may parehong tema.


Target nilang hikayatin ang mga ‘millennials’ na gustong i-level up ang kanilang status posts and profile pictures.

“We play with shapes and colours, and try to push people’s borders and let their creativity bloom,” tugon ni Lilla Gangel, co-founder ng Museum of Sweets and Selfie.

Binuksan sa publiko ang Museum of Sweets and Selfie noong Disyembre 2018 at binisita ng mahigit 30,000 katao sa loob lamang ng pitong buwan.

Kaya naman, tinagurian na itong isa sa top major attraction ng bansa.

Palm tree na tumutubo sa dingding at kulay pink na kisame at kapaligiran ang sasalubong sa mga bisita kapag pumasok sa mga exhibition rooms ng museo.

Puwede din mag-selfie sa mga banana swings, unicorn climb at lounge na may disenyong giant macaroons.

Images via Museum of Selfie and Sweets FB page

“Here you can stand out from the crowd, perhaps by finding a crazy new perspective like an aerial photo, or by playing with the quirky props,” dagdag pa ni Gangel.

Aniya, nagbabago na rin ang pamumuhay ng ibang tao dahil sa pag-unlad ng digital na teknolohiya.

“There are more and more places on the internet where you can share photos, we’re living in this type of world now, whether we like it or not.”

Dahil sa nakatutuwang tema ng museo, agad itong kumalat sa mga social media partikular sa Instagram at Snapchat.

Facebook Comments