SEMANA SANTA | Mga bakasyunista, asahang dadagsa sa Miyerkules (March 28)

Manila, Philippines – Asahang dagsa na sa susunod na Miyerkules, March 28
ang mga manlalakbay na magsisiuwian para humabol sa paggunita ng Semana
Santa.

Sa isang Forum sa Quezon City, sinabi ni MPTC President and CEO Rodrigo
Franco na nasa 10 to 15% ang maidagdag sa volume ng mga sasakyan na
gagamit sa NLEX, SCTEX at CAVITEX.

Nasa 300,000 ang volume ng sasakyan na dumadaan sa mga toll plazas tuwing
normal na araw. Kaya asahan na mas tataas pa ang dami ng mga sasakyan sa
susunod na linggo.


Hindi na lang sa panahon ng undas mapapakinabangan ng mga motorista ang
programang safe trip mo ng mga pangunahing toll exits.

Pinalawig pa ang programa para makatugon sa susunod na pinahabang bakasyon
na kaugnay ng paggunita ng National Heroes Day (August 25-27) at Bonifacio
Day (November 30-December 2)

Asahan na makakapag-deploy pa rin ng traffic personnel para sa
pagpapatrulya at pag-monitor ng daloy ng malaking volume ng mga manlalakbay
sa nabanggit na panahon.

<#m_-3596833256356222351_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments