SEMANA SANTA | Mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya, dagsa na

Manila, Philippines – Patuloy ang pagdating ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya sa Araneta bus terminal ngayong araw.

Ayon sa mga pasahero, ayaw na nilang sumabay sa pagdagsa ng tao sa darating na Miyerkules.

Samantala ang ilang mga biyahe patungong Bicol ay fully booked na habang ang mga bus na biyaheng Antique at Iloilo ay punuan na rin.


Sa ngayon, patuloy parin ang pagbebenta ng mga ticket para sa mga tutungong Samar, Masbate at Leyte.

Facebook Comments