Manila, Philippines – Puspusan na paghahanda ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Semana Santa.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, bubuo sila ng contingency plan para tulungan ang mga immigration officers sa pila sa kanilang hanay.
Nakipag-ugnayan na rin ang MIAA sa mga airlines, Bureau of Customs (BOC), PNP-Aviation Security Group (AVSEGROUP) at iba pang private security agencies para sa pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa NAIA.
At para gawing komportable ang mga pasahero, naglagay na rin sila ng mga bagong air-conditioners sa NAIA terminal 3 kung saan inaasahan ang malaking bilang ng domestic and international passengers.
Facebook Comments