Nagpaalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipinong Katoliko na magsimba at manalangin ngayong pagsisimula ng Semana Santa o mga Mahal na Araw.
Ayon kay CBCP permanent committee on public affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano, bukod sa pagdadala ng palaspas sa mga simbahan ngayong Palm Sunday, mainam din na buksan ang kalooban para tanggapin si Hesus.
Ang Linggo ng Palaspas ay ang pag-alala sa engrandeng pagpasok ng Panginoong Hesus sa Jerusalem ilang araw bago siya ipako.
Kabi-kabilang misa rin ang idinaos sa mga simbahan sa buong bansa kabilang na as Quiapo Church at Baclaran Church.
Ang mga binasbasang palaspas ay gagamitin sa susunod na taon para sunugin bilang pampahid na abo sa Ash Wednesday.