Proteksyon sa mga Pinoy at turismo, pinag-usapan sa courtesy call ng Philippine Ambassador sa Muscat Governor

Pangunahing tinalakay sa courtesy call ni Philippine Ambassador to Oman Raul Hernandez kay Muscat Governor Saud Hilal Al Busaidi ang hinggil sa proteksyon ng mga Pilipinong naninirahan sa Oman.

Tinalakay rin ng dalawang opisyal ang hinggil sa turismo ng Pilipinas at Oman gayundin ang trade and investment.

Sinamantala rin ni Ambassador Hernandez ang pagkakataon para talakayin ang hinggil sa mga pending na kasunduan sa employment ng Filipino workers.


Inirekomenda rin ng Philippine Ambassador ang pagbuo ng reciprocal business delegation sa pagitan ng Pilipinas at Oman sa pag- explore ng potential trade opportunities, gayundin ang konsepto ng medical tourism sa Pilipinas.

Facebook Comments