Tiyak na magagambala ang mga nakahimlay sa sementeryo ng Concepcion Pequeña sa Naga City. Ito ay kaugnay ng road widening project ng DPWH kung saan, malaking bahagi ng sementeryo ang matatamaan.
Ayon sa estimate, nasa mahigit 300 na mga nitso ang maapektuhan sakaling pasimulan na ang nasabing proyekto ng DPWH.
Kaugnay nito, sinabi ni Vice Mayor Nelson Legacion na hindi pababayaan ng LGU Naga ang bagay na ito, kasabay ng kanyang pagtitiyak na tutulong ang local na pamahalaan sa paghahanap ng malilipatan ng mga nakahimlay sa apektadong sementaryo.
Idinagdag pa ni Legacion na hindi dapat mabahala ang mga kamag-anak ng mga nakalibing sa nasabing sementeryo dahil may nakalaang pondo ang LGU para sa pagpapagawa ng restos chamber o mga nitso kung saan ililipat ang mga remains ng mga nakahimlay sa parting maaapektuhan ng road widening project na pasisimulan ASAP ayon pa sa DPWH.
Sinabi rin sa report na walang nakalaang budget ang DPWH para sa nasabing bagay subalit maari namang makatulong ang nasabing ahensiya sa construction ng mga kinakailangan paglilipatan na restos chambers.
Mula sa RMN Naga, RadyoMaN Mike Marfega, Tatak RMN!
Sementeryo sa Naga City, Tatamaan ng Road Widening Project
Facebook Comments