Cauayan City – Nagsagawa ang LGU Tuguegarao City ng re-orientation seminar para sa Comprehensive Environmental Management Code sa Tuguegarao City People’s Gymnasium.
Ang layunin ng seminar ay palakasin ang pagpapatupad ng Anti-Modified Muffler Ordinance at Solid Waste Management Program bilang bahagi ng adbokasiya ni Tuguegarao City Mayor Mayor Maila Ting-Que.
Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang bahagi ng ordinansa, maging ang mga hakbang na maaring gawin para sa mas epektibong implementasyon nito.
Nagkaroon din ng open forum upang sagutin ang mga katanungan ng mga barangay officials kaugnay ng mga patakaran.
Ang seminar ay bahagi ng layunin ng LGU na masiguro ang maayos, malinis, at tahimik na komunidad sa ilalim ng programang “Serbisyong Nakikita, Nadarama, at Maaasahan.”