Batangas – Patay ang isang 19-anyos na lalaki matapos sumemplang ang minamanehong motor at mahagip ng kasalubong na truck sa Lipa City, Batangas.
Nakilala ang biktima na dead on arrival sa hospital na si Mark Joseph Ramos.
Base sa kuha sa CCTV, makikita ang pagsemplang ng dalawang motor sa bahagi ng national highway sa Barangay Antipolo Del Norte kung saan makikita rin ang pagdating ng isang trak na nakabangga sa rider ng motor na dumulas sa kabilang lane.
Sugatan ang 17-anyos na rider ng isa pang motor na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital habang ligtas naman ang drayber ng trak na si Dennis Geba.
Hindi naman na inireklamo ng pamilya ng biktima ang nasabing driver matapos nila makausap ang may-ari ng trak.
Facebook Comments