DI KINAYA | Bumigay na hanging bridge sa Mambusao Capiz, inaayos na

Capiz – Pansamantalang inayos ng mga barangay officials ang bumigay na hanging bridge sa Baragay Pangpang Norte, Mambusao, Capiz.

Ayon kay barangay chairman Rodolfo Luna, kanilang ipinaayos ang bumigay na tulay kung saan muling ikinabit ang kableng naputol.

Aniya, ipinangako ng lokal na pamahalaan ng kanilang bayan na ito ay ipapaayos ngunit hanggang ngayon ay walang hakbang na ginawa o tulong na ipinaabot.


Dahil dito, maging ang tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Capiz second engineering district ay kanila na din tinangghan dahil nanindigan sila na kaya nila itong ipaayos.

Napag-alaman na ang naturang tulay ay proyekto ng DPWH at nasira na rin ito noong hinagupit ng bagyong Yolanda at mula noon ay hindi ito isinailalim sa rehabilitasyon ng ahensiya.

Facebook Comments