SEMPLANG |Security guard, sugatan matapos maaksidente

28

Manila, Philippines – Sugatan ang isang security guard ito ay matapos sumemplang sa sinasakyang motorsiklo sa Quirino Highway Novaliches Proper QC kaninang madaling.

Nakilala ang biktima na si Gilbert Angoluan na nagkaroon ng matinding pinsala sa daliri ng kanang paa at na- dislocate ang kanang balikat.

Ayon sa mga saksi, sinubukang umiwas ng rider sa sasakyang nasa harapan nito kaya nawalan ng balanse kayat sumemplang ala una ng madaling.

Aminado ang biktima na sya ay nakainom ng alak pero paliwanag nya hindi sya masiyadong lasing.

Agad nabigyan ng pangunahing lunas ang rider at maswerteng may napadaan na doktor sa lugar.

Dinala na sa pinakamalapit na hospital ang biktima.

Facebook Comments