Sen. Angara, umaasang pansamantala lang ang umiiral na martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Para kay Senator Sonny Angara sapat na basehan ng pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao ang paghahasik ng karahasan at pagpatay ng mga inosente sa Marawi City.

Gayunpaman, umaasa si Senator Angara na ang pagiral ng batas militar ay pansamantala lamang, habang nagaganap ang mga operasyon laban sa teroristang grupo.

Tiwala si Angara na mareresolba ng pamahalaan ang sigalot na ito sa lalong madaling panahon sabay diin na walang lugar ang mga teroristang ito sa ating lipunan.


Ipinaalala din ni Sen. Angara may limitasyon at safeguards na itinatakda ang konstitusyon laban sa anumang tangkang pang-aabuso ng mga nasa puwesto kaugnay sa pagpapatupad ng martial law.

Tiniyak din ni Angara na bilang kinatawan ng mamamayan, sya ay magmamasid at magsusubaybay at hindi papayag na ang mga batas ay maisantabi at mabale-wala.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments