Manila, Philippines – Idiniin ni Sen. Antonio Trillanes si Police Supt. Marvin Marcos at ilang kaklase nito sa PNPA kaagapay class 1996 na siyang nasa likod ng extra judicial killings sa bansa.
Ayon kay Trillanes, batay ito sa nakuha niyang impormasyon sa loob mismo ng Philippine National Police.
Sabi pa ng senador, nabuo ang grupong ito matapos manalo noon sa eleksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Walang binanggit na pangalan si Trillanes maliban sa isang Supt. Edilberto Leonardo na mula sa PNPA class 1996 — na kasama sa kasong isinampa nina Edgar Matobato at Trillanes sa International Criminal Court.
May kinalaman ito sa reklamong crimes against humanity na nag-ugat naman sa anti-drug campaign ng duterte administration.
Kasama rin aniya sa mandato ng grupong ito ang reward system.
Kaya naman mas lalong luminaw aniya na si Pangulong Rodrigo nga talaga ang nag-utos na ibaba sa kasong homicide mula murder ang kasong kinahaharap ng grupo nina marcos kaugnay ng pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Kaugnay nito, hindi naman nagbigay ng direktang pahayag si Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil dito.