Manila, Philippines – Hinamon ni Sen. Bam Aquino ang mga kontra sa death penalty na kumbinsihin ang 60 porsiyento ng mga Pilipino na pabor sa bitay na magbago na ng pananaw.
Giit ni Senator Aquino, dapat maliwanagan ang mga pro death penalty na hindi mareresolba pagpatay ang problema ng bansa at makakaapekto lang ito sa kapakanan ng mahihirap.
Ang mensahe ni Sen. Bam ay makaraang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), na suportado ng 60 porsiyento ng mga pilipino ang nais ng gobyerno na buhayin ang death penalty bilang pangontra sa krimen.
Pakiusap ni Senator Aquino sa mga anti-death penalty bill na magtrabaho ng husto para maipaliwanag sa nakakaraming mga Pilipino na mali ang parusang bitay.
Binigyang diin ni Aquino na kapag nag sabay-sabay na gumagalaw, sa ilalim ng pagmamahal sa bayan at sa Diyos, ay siguradong makakamit ang sapat na numero sa Senado upang hindi maibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan.
DZXL558, Grace Mariano