Manila, Philippines – Umapela si Liberal Party o LP senator Bam Aquino sa mga mambabatas sa mamabang kapulungan na huwag bumigay sa mga banta at pressure mula sa Duterte administration.
Ang panawagan ni Sen. Bam sa mga kongresista ay sa harap ng bantang paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo sa pagbabalik session sa Mayo.
Ayon kay Sen. Aquino, kayang isakatuparan ang nasabing banta kay VP Leni.
Patunay aniya nito ang naisakatuparang pambubully ng administrasyon sa pamamagitan ng pagtanggal ng committee chairmanship sa mga kongresista na komontra sa panukalang ibalik ang parusang bitay.
Sa kabila nito ay patuloy na nagtitiwala si Aquino na kakayanin pa rin ng mga mambabatas na manindigan salungat sa mga banta at dikta ng kasalukuyang administrasyon.
Paalala ni Aquino, ang ating mga democratic institutions, lalo na ang senado ay dapat kumilos ng makatwiran at manindigan para mapanatili ang tinatamasa ngayong kalayaan at demokrasya sa bansa.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Grace Mariano
Facebook Comments