Sen. Bato dela Rosa, kumasa sa hamon ni Baguio Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa isyu ng military and uniformed personnel pension system

Kumasa si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa hamon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tumulong sa pagtugon sa problemang kinakaharap sa Military and Uniformed Personnel (MUP) pension system.

Ang hamon ay kaugnay na rin sa naging pahayag ni Magalong na kung silang mga nasa uniformed service ay handang magbigay ng bahagi ng kanilang pension para makatulong din sa gobyerno, nais din niyang makita kung ano ang ibabahagi ng mga mambabatas para maiwasan ang sinasabing fiscal collapse.

Tugon ni dela Rosa, kung ang hamon ng Alkalde ay magbigay ng kontribusyon ang mga senador ay nakahanda siyang magbigay.


Bukas at handa aniya siya na makatulong sa gobyerno at ang bahagi ng kanyang retirement pension ay handa niyang i-donate para matugunan ang isyu sa MUP pension.

Sa panig naman ni Senator JV Ejercito, iginiit na bagama’t panahon para resolbahin ang problema sa MUP pension, hindi naman niya maisasakripisyo ang kanyang mga adbokasiya na dapat paglaanan ng sapat na pondo para sa implementasyon tulad ng Universal Health Care system, pabahay at ang mga imprastraktura para sa transportasyon.

Facebook Comments