Sen. Bato dela Rosa, nakaranas ng pambabastos sa NAIA

Ibinahagi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagdinig ng 2024 budget ng Department of Transportation (DOTr) at attached agencies ang kanyang hindi magandang karanasan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Ayon kay Dela Rosa, madaling araw noong pauwi siya sa Davao at lumapit siya sa assistance desk sa Terminal 2 para itanong kung saan ang CAB (Civil Aeronautics Board).

Nang ituro at puntahan niya ang CAB desk para tanungin kung ano ang kanilang ginagawa kapag may natatanggap na reklamo ay hindi umano siya pinapansin at naging magaspang pa nang sumagot.


Aniya, nagtimpi na lamang daw siya at mas piniling magpakumbaba.

Nagpaalala si Dela Rosa sa mga kawani na ang gobyerno ay naririyan para umalalay sa taumbayan.

Umapela pa si Dela Rosa sa CAB na pagsabihan ang kanilang mga tauhan.

Facebook Comments