DMW, dumistansya sa panukala sa Senado na bigyan sila ng confidential fund

Ipinauubaya na ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Senado ang pagpasa sa panukalang pagbibigay ng confidential fund sa DMW.

Tiniyak naman ni DMW Usec. Bernardo Olalia na tuloy ang kanilang kampanya laban sa human trafficking mayroon man o walang confidential fund.

Kinumpirma ni Olalia na sa ngayon ay wala talagang confidential fund ang DMW.


Sakaling maaprubahan aniya ang nasabing pondo, gagamitin nila ito sa pagkuha ng mga eksperto na kanilang makakatulong sa kanilang kampanya laban sa human trafficking.

Nilinaw naman ng DMW na hindi sila dumulog sa mga mambabatas para magkaroon ng confidential fund.

Facebook Comments