
Binatikos ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang binitawang pahayag ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na “betrayal to the max” ang pagpayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na arestuhin ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang statement, sinabi ni Gadon na nasaan umano ang pagkakanulo sa ginawa ng pangulo gayong hindi naman umano kaibigan ni PBBM si Dela Rosa.
Sa katunayan aniya, hindi alam ni Dela Rosa ang konsepto ng betrayal dahi pinangunahan nito ang isang Senate investigation laban kay Pangulong Marcos na ibinatay sa walang basehang report ng isang dating Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA agent.
Dagdag ni Gadon, ang crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court ay nangyari noong 2017, noong si Duterte pa ang presidente.