
Naglabas ang Australian government ng travel advisory laban sa Pilipinas.
Sa abiso ng Australia, pinag-iingat nito ang kanilang nationals na tutungo ng Pilipinas.
Pinaiiwas din ang Australian nationals na sumali sa mga demonstrasyon at civil unrest sa harap ng tensyon na dulot ng pag-turn over sa International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Duterte.
Nagbabala rin ang Australian government na posibleng mabalam ang operasyon ng mga transportasyon at mga pangunahing serbisyo sa Pilipinas.
Pinapayuhan din ang Australian nationals sa Pilipinas na iwasang magtungo sa Mindanao dahil sa nangyayaring kidnapping at terorismo.
Una na ring naglabas ng travel advisory ang US Embassy laban sa Pilipinas kaugnay ng tumataas na kaso kidnappings for ransom sa Western Mindanao, partikular sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.