Sen. Bong Go, kinilala ang sakripisyo ng lahat ng mga frontliner ngayong Araw ng Kagitingan

Photo Courtesy: Sen. Bong Go's FB page

Binigyang pagkilala ni Senator Christopher “Bong” Go ngayong paggunita ng Araw ng Kagitingan ang lahat ng mga frontliner na nagsakripisyo sa bansa sa gitna ng krisis na kinaharap dahil sa pandemya.

Ayon kay Go, ngayong Araw ng Kagitingan ay kinikilala ang mga sundalo na matapang na nakipaglaban noong panahon ng World War 2 laban sa pwersa ng mga sundalong Hapon.

Pero aniya, sa panahon ng krisis ay iba ang naging matinding kalaban ng mga Pilipino at bukod sa mga sundalo at pulis, kasama rin sa paglaban nitong pandemya ang mga doktor, nurse, at iba pang frontliners na patuloy na nagseserbisyo at nagsasakripisyo para makapagsalba ng buhay ng kapwa Pilipino.


Nagpasalamat ang senador sa lahat ng mga frontliner at aniya’y sila ang mga bagong bayani ng bansa at hindi malilimutan ang sakripisyo at dedikasyon ng mga ito sa panahon ng pandemya.

Muli namang ipinanawagan ni Go ang pagprayoridad at pagpapatibay sa mga panukalang batas para sa pagsusulong ng kapakanan, proteksyon at benepisyo ng mga frontliner hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa abroad.

Facebook Comments