Sen. Bong Go, nanguna sa pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Noveleta, Cavite

Pinangunahan ni Senator Bong Go ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residente ng Noveleta, Cavite ngayong araw.

Ang ibang mga nasabing residente ay pawang mga biktima ng sunog, kalamidad at krisis.

Nasa P3,000.00 ang matatanggap ng mga mahihirap na pamilya mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ayon kay Sen. Go, mahigit 1,000 pamilya ang nakatakdang makatanggap ng tulong pinansyal kung saan makakakuha rin ang ilan sa kanilang ng iba pang tulong ma sa pamahalaan.

Umaasa ang senador na sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng pamahalaan ay masisimulan ng mahihirap na pamilyang Pilipino na maibangon ang antas ng kanilang pamumuhay.

Isa rin itong paraan para maramdaman ng bawat pamilyang Pilipino na handang umalalay ang gobyerno at may mga programa na ipinapatupad para sa kanilang kapakanan.



Facebook Comments