Sen. Bong Revilla, balik-Kapuso sa ‘Agimat ng Agila’

576
Video from GMA Network

Muling mapapanood sa telebisyon si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa upcoming teleserye ng GMA 7 na pinamagatang “Agimat ng Agila”.

Kabilang ang soap-opera ng actor-politician sa teaser-trailer na ipinasilip ng Kapuso network para sa mga programang hihimpapawid sa 2020.


Batay sa plug, ipapalabas ang pagbibidahang istorya ng mambabatas tuwing Linggo ng gabi.

Sa ulat noon ng showbiz website na PEP.ph, papalitan raw ng teleserye ni Revilla ang drama-anthology na “Daig Kayo ng Lola Ko”.

Gaganap bilang forest ranger sa “Agimat ng Agila” ang pulitikong nagbabalik sa showbiz.

Ayon kay Revilla, bibigyan niya ng hustisya ang nasabing karakter.

Pero tiniyak ng senador na hindi niya pababayaan ang responsibilidad sa taumbayan kahit balik-primetime na siya.

Facebook Comments