Lalaki, Patay Matapos Saksakin ng Kabarangay!

206

Cauayan City, Isabela- Nagdadalamhati ngayon ang kamag-anak at pamilya ng isang lalaki na pinaglalamayan ngayon matapos saksakin ng kanyang ka-barangay sa Sitio Sangaribo, Barangay Cajel, Diffun, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Ricardo Salada, Quirino Provincial Intelligence Branch (QPIB), ang biktima ay si Albert Cauilan, nasa tamang edad, byudo, empleyado ng D.A Diffun at residente ng Sitio Sangaribo, Cajel Diffun, Quirino.

Habang ang suspek ay nakilalang si Remegio Rambak, 44-anyos, magsasaka at residente rin ng Sitio Sangaribo, Barangay Cajel, Diffun, Quirino.

Sa pagsisiyasat ni P/Maj.Victoriano Yarcia, hepe ng PNP Diffun ay mayroong dating alitan ang dalawa kung saan ay nagkasalubong umano ang dalawa sa kanilang barangay at basta na lamang inundayan ng saksak ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa dibdib at likod ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Dinala sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa isinagawang manhunt operation ng pulisya ay agad na nahuli ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda na ang kaso na isasampa laban sa kanya.




Facebook Comments