Sen. Cayetano, inaasahang mabilis na makakalusot sa Commission on Appointments ngayong araw

Manila, Philippines – Kampante sina Senators Tito Sotto III at Panfilo Ping Lacson na lulusot agad sa makapangyarihang Commission on Appointments o CA ngayong araw si Senator Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Dept. of Foreign Affairs.

Sabi ni Senator Sotto na CA member, may mungkahi si Senator Lacson bilang chairman ng CA committee on foreign relations na huwag ng tanungin at hingan pa ng kung anu anong dukomento si Cayetano.

Sabi naman ni Lacson, iniisa isa na niyang tanungin ang mga miyembro ng CA at wala namang nagsabi sa mga ito na tutol sa kumpirmasyon ni Cayetano at wala ding nag abiso na magtatanong pa.


Kapag nakalusot sa CA ay otomatikong resign na si Cayetano mula sa mataas na kapulungan.

Kahapon ay inaasahan ang speech ni Cayetano pero hindi ito nangyari dahil ayaw daw niyang maging assuming at pangunhana ang magiging kapalaran niya sa CA.

Kahapon din ay nakipag shake hands pa sya kay Antonio Trillanes IV ng ito ay magkita sa hallway ng Senado, ginantihan naman ito ni Trillanes ng isa pang shake hands din.

Magugunitang nagkaroon ng mainitang palitan ng maanghang na salita sina Cayetano at Trillanes sa isang pagdinig sa senado at ilang beses na ring nagpasaring sa isat isa noon pang 2016 elections dahil magkaiba sila ng sinusuportahang presidential candidate.

Samantala, maliban kay Senator Cayetano, ay sasalang din sa CA confirmation hearing ngayong araw sina Health Sec. Paulyn Ubial at DSWD Sec. Judy Taguiwalo.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments