Sen. Cynthia Villar: ‘2 hanggang 3 Taon magiging Competitive ang Magsasaka sa Isabela’

*Cauayan City, Isabela*- Tiniyak ni Senator Cynthia Villar na seryoso ang gobyerno sa mga magsasaka sa kabila ng pag aray ng mga ito sa usapin ng Rice Tarrification Law.

 

 

Ayon kay Villar, ang chairman ng committee on agriculture, ang probisyon ng tarrification law ay siyang pag aangkat ng mga imported rice sa murang halaga sa bansang Vietnam at ang perang matitipid sa pagkuha ng bigas ang ipapasok naman sa tinatawag na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na siyang gagamitin sa mga small farmers.

 

Kinumpirma din ni Villar na may nakalaan ng 5 billion mechanization para sa taong 2020 para sa pagbibigay ng 5 milyon sa 947 na lugar sa bansa upang mamili ng karagdagang equipment para sa gagamitin ng mga magsasaka.


 

Sa kabila ng umaaray ang mga magsasaka sa Isabela dahil sa mababang presyo ng palay ay siniguro naman ng senador na bibilhin ng pamahalaang panlalawigan ang mga ani na palay sa tamang presyo.

 

Sa katunayan, 7 billion taun-taon ang nakalaang pondo sa National Food Authority (NFA) na siyang bibili ng mga palay ng mga magsasaka habang 36 billion ang pondo na inilaan sa National Irrigation Administration upang mapabuti ang irrigation facilities na siyang tutulong para sa mga magsasaka.

 

 

Siniguro din ni Villar na sa loob ng 2 hanggang 3 taon ay inaasahang magiging competitive na ang mga magsasaka sa pagpoproduce ng bigas.

 

 

Si Sen. Villar ang siyang may akda ng nasabing batas para tulungan ang mga magsasaka na maging competitive.

Facebook Comments