Humarap sa Muntinlupa city Regional Trial Court Branch 205 si Sen. Leila de Lima at dati nitong driver bodyguard na si Ronnie Dayan at binasahan ng sakdal.
Ito ay kaugnay sa kasong isinampa ng DOJ na may kinalaman sa kasong conspiracy commit illegal drug trading sa NBP noong ito pa ang kalihim ng DOJ.
Kanina, tinangka pa ng mga abugado ng senadora na maipagpaliban ang arraignment at madinig ang kanilang mosyon na humihiling na ibasura ang kaso.
Giit ng kampo ng senadora hindi kasi pareho ang orihinal at ang naamyendahang impormasyon sa kaso na hindi naman kinatigan ni Judge Liezel Aquiatan.
Samantala, hindi naman naghain ng anumang plea si Sen. De lima kasabay ng pahayag na hindi nya kinikilala ang kaso laban sa kanya dahil ito ay gawa gawa lamang.
Habang naghain naman ng not guilty plea si Dayan.