Manila, Philippines – Nakatakdang basahan ng sakdal si Senadora Leila de Lima ngayong araw sa Muntinlupa city Regional Trial Court Branch 204 sa ilalim ng sala ni Judge Juanita Guerrero.
Co-accused nya sa kaso sina Ronnie Dayan ang umano’y ex-boyfriend bodyguard driver ng nakaditeneng senadora at si Former Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos.
Si De lima ay nakapiit ngayon sa Kampo Krame at nahaharap sa paglabag sa Section 5 in relation to Sections 3, 26, & 28 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.
Si Judge Guerrero ang unang hukom mula sa 3 sangay ng Muntinlupa RTC na nagpalabas ng arrest order laban sa senadora (Feb23).
Una nang iginiit ni De lima na wala syang kinalaman sa ilegal na droga at kaya lamang sya idinadawit dito ay dahil numero uno syang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
May kaugnayan ang kaso nito sa umano’y pamamayagpag ng ilegal na droga sa New bilibid prisons nuong ito pa ang kalihim ng Department of Justice.
Hanggang ngayon nananatiling nakabinbin sa Kataas Taasang hukuman ang petisyon nito na kmkwestyon sa kanyang pagkaka aresto.