Humingi ng patawad si Senator Ronald Bato Dela Rosa sa kanyang naging pahayag na hindi maiiwasang may mamatay sa mga operasyon ng pulisya.
Higit ang paumanhin ni Dela Rosa sa pamilya ng tatlong taong gulang na batang babae na nasawi makaraang gawing panggalang ng kanyang ama na nakipagbarilan umano sa mga otoridad.
Aminado si Dela Rosa na mali ang pagbitiw nya ng hindi magandang salita.
Sabi ni Dela Rosa bilang isang senador ay magiging maingat na sya sa mga salitang gagamitin taliwas sa kanyang nakagawian noong sya ay isang pulis.
Hindi naman naitago ni Dela Rosa na nasaktan sya sa mga pagbatikos na inani dahil sa kanyang naging pahayag.
Paglilinaw ni Dela Rosa, hindi totoo na sya ay insensitive at hindi niya intensyon na makasakit dahil mahal na mahal niya ang mga bata at patunay nito ang ilan sa mga inahain niyang panukala na para sa kanilang kapakanan.
Muli ipinaliwanag ni Dela Rosa na sa mga police operations ay hindi mako-kontral ang operational environment kaya may mga nangyayari na hindi maganda.
Pero giit ni Dela Rosa, dapat may managot sa pagkamatay ng inosenteng bata, sinadya man ito o hindi ng mga otoridad.