Kung si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang tatanungin, hindi na dapat pilitin ang ilan na ayaw sa mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) Program.
Ang reaksyon ng senador ay kaugnay na rin sa lumabas na survey ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na mahigit sa kalahati na college freshmen at senior high school students sa Catholic schools ang tutol sa muling pagbuhay ng ROTC.
Giit ni Dela Rosa, ang pagdepensa sa bansa ay hindi pinipili kundi ito ay isang constitutional duty ng bawat mamamayan ng Pilipinas.
Dahil dito, walang nakikitang dahilan si Dela Rosa para kumbinsihin pa ang mga tinawag niyang “unpatriotic” o hindi makabayang mga Pilipino.
Sa survey ng CEAP, 53 percent ng 20,000 na mga mag-aaral sa Catholic schools ang tutol sa proposal na ibalik ang ROTC habang 28 percent naman sa mga estudyante ang pabor at 19 percent ang undecided.